Hindi lahat ng tinuro ng Teacher at Magulang mo ay pumapasok sa isip mo, Sa tantiya ko ay mas marami pa yung bagay na inubos mo sa walang kwentang bagay kesa sa matino… tulad nang panghuhula kung anong kulay ng panty ng classmate mo, pakikipag-away sa Facebook, ginagawang hugis daga yung claydo, panonood ng porno at marami pa.. Pero huwag kang mabibigla natural lang naman yan,, lahat naman tayo kahit gaano pa tayo kabait may natitira pa ring konting porsyento ng kalokohan na namamahay sa utak natin..abnormal ka kung sabihin mong wala kang ginawang mali..kahit slight o mabigat pa yan…consider pa rin kamalian yan….tsaka kung itatransfer mo naman yang kamalian na yan into a positive way,, Aba.. pwede kang magkamali kahit kelan mo gusto… Kung ginawa mo yan..tanga ka…oo malaki kang tanga,,,sabihin na natin with every mistake we must surely be learning… pero hindi dahilan yan kung puro palpak at wala sa ayos ang ginagawa mo… magtira ka naman ng konting pride sa kung ano man yang ginagawa mo…

Tsaka marami tayo matutuhan na mga bagay na pede nating dalhin hanggang mangulubot na yung balat natin..o kung di mo na kayang maglakad pa sa katandaan..Maipapamana mo yung mga masasayang experience at yung mga natutunan mo sa buhay… Huwag lang puro kabastusan…Bweno heto yung mga bagay na natutunan ko noon at ngayon..

1. Pwede palang bumili ng kape, creamer at sugar na magkakahiwalay sa tindahan hindi yung 3 in 1…. yung nga lang para hindi ka mahirapan magsalita ng “Pabili ng 3 Kape, 3 na Creamer o Coffemate at 3 asukal” pede mo naman sabihin sa maarteng tindera ng “3 Sets ng Kape,Creamer at Sugar..” Nakatipid ka ng laway at oras..

2. Kung ang brand ng yosi mo ay Marlboro Red… Huwag kang bibili ng Marlboro Lights kapag lasing ka at kung wala nang mabiling Marlboro Red…Minsan kase sa sobrang kalasingan di mo namamalayan na laging baligtad ang pagsindi mo ng yosi..marami ang nasasayang..

3. Tawag namin noong bata pa kami ng utol ko sa tubig gripo ay Mineral Water… sa probinsya kase,,uso ang mga poso.. walang gaano gumagamit ng gripo… iba ang lasa ng tubig poso sa tubig gripo… kaya akala namin ito yung sinasabi nilang Mineral Water… (tanga lang…)

4. Huwag mong isipin na sobrang magaling ka…dahil kapag inisip mo na magaling ka ….wala ka ng ikakagaling pa,,,dahil feeling mo ay napaka-invicible at wala makakatalo sa iyo… meaning di ka na pwedeng tumanggap ng suggestion o komento..sa ganun na ugali..hindi ka na gagaling… dahil sa totoo lang ang tao ay hindi tumitigil sa kaalaman..

5. Death Growl pala ang tawag sa boses nina Kiko Matsing at Cookie Monster….

6. Hindi pwedeng ikaw mismo ang magsabi sa mga tao na maganda ang ginawa mo … hayaan mo yung tao mismo ang makakatuklas kung maganda nga ang nagawa mo… dun ko nalaman ang ibig sabihin ng humble…

7. Noong time na halos di kami makakain na maayos..natututo akong yumakap sa hinagpis (ang lalim tangina..) ng kahirapan… kailangan magtiis kung anong merun… pagkasyahin..dun ko natutunan na pede palang i-ulam yung Mabuhay Corn Chips….

8. Minsan hindi rin ako naniniwala sa mga payo ng ibang tao na nababasa ko ,,,dahil sa totoo lang..yung mismong gumawa ng mga payo na yun ay minsan hindi nya rin kayang sundin..yung mga ipinayo nya… (hindi naman lahat..baka may kumontra)

9.Nalaman ko na yung palang F5 ay pwede rin palang pangrefresh.. at yung ā€œPā€ sa Corell Draw ay pangcenter ng font o artwork… at hindi lahat ng bading ay mga malalanding kagaya ni Shalala… merun din palang matino at pilantropist na kagaya ni Ricky Reyes (ganda..)

10. Mas masarap palang magluto ang Tatay ko kesa sa Nanay ko ng iluto nya yung Sisig , Bopis at Chicken Curry.. at don ko natuklasan na yung mga babae sa henerasyon ngayon (di naman lahat) ay di gaano interesado sa pagluluto at mas magaling magluto ang mga lalake sa kanila… tingnan mo yung mga sikat na Chef,,halos lalake at matataba sa katakawan sa sarili nilang luto,..)

Huwag ka ng magtaka bakit nilagay ko yang mga hayup na yan….WALRUS ang tawag dyan…

 

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s