Ano nga ba at paano nga ba ang kultura ng Metal dito sa Pinas.?… Aminado akong maliit lang porsyento dito sa Pinas ang nakikinig ng Metal Music… Baon ang bansa natin sa mga Pop Music na nagkalat sa mga Radio Airwaves at mga videos na pinapalabas sa MYX o MTV…. Kung itetrace mo kung paano nahilig ang mga Pinoy sa music na ito..walang eksaktong taon o araw…. Marami sa mga Tatay o Tito natin ang nakikinig nito pero hindi nila alam na isa itong Heavy Metal music,,,.. Ayon sa pagkakaintindi nila isa lang itong karaniwan Rock… Black Sabbath, Blue Cheer, Cream. Led Zeppelin at Deep Purple ilang ito sa mga bandang Metal o Blues Rock na pinapakinggan nila..pero hindi sila hume-headbang…nakikinig lang sila..ganun lang kasimple… Mabigat na para sa kanila ang mga kanta ng ating mga local bands like Juan Dela Cruz o Maria Cafra…dahil iyon ang usong-uso noon..

Nang sumapit ang dekada 80’s hindi rin gaanong litaw sa publiko ang pakikinig nila dito..merun mga iilan na nakikinig ng Early Metallica.. Slayer.. Anthrax nang panahon na iyon..iilan lang sila… at hindi pa gaanong bulgar…Pero litaw na rin o uso na nung panahon na yun ang mga Punk Rock Music..kung saan ang mga punkista ay kumokondena sa pamamagitan ng kanilang musika,, hitsura at pagpapahayag ng hindi pagsan-ayon sa gobyerno……Kung naalala nyo pa na hindi lumabas ang album sana na irereleased ng bandang Armaggedon ang Mapulang Dagat dahil hinarang ito ng Board of Censors ,,,sa dahilang ang tema nito ay tungkol sa demonyo….Pero nang sumapit ang Glam Metal sa ere,,,dun na lumitaw ang mga Pinoy na mahihilig sa Metal… Bon Jovi, Warrant, Europe mas gusto nila ang mga yan..Sigurado akong mga Tito nyo o pinsan ay merung mga nakatagong tapes ng mga bandang Glam Metal….

Sa palagay ko rin ang tanging taon na bulgar o rebolusyon ng mga Pinoy Metal Fans ay noong 90’s…dito maraming Metal bands ay nagsulputan.. mga bandang nabibigyan ng tsansang tumugtog saan man lugar…Ang LA 105.9 ang tanging radio station na nagpapatugtog ng Metal Music noon…. banda dito…banda doon…Ang kultura ng Metal ay unti-unti na nabibigyang buhay dahil sa kalayaan ng mga banda sa gusto nila sa musika nila… sa tao din ito lumabas na malaya ang mga fans na ihayag ang trip nila… Magdamit sa gusto nila… magpahaba ng buhok…although nagagawa naman ito noong 1970’s… mga kabataang malaya sa gusto nila… na hanggang ngayon ay nagagawa natin kung ano man trip natin sa musika…

Ang Kultura ng metal sa atin ay halos wala naman pinag-iba sa ibang bansa… andun ang camaraderie sa bawat fan at banda… parang pyesta o isang malaking salo-salo kung tutuusin kung merung isang Festival ng Metal music o concert ng isang Metal band dito sa Pilipinas… dito nararamdaman ng isang fan ang saloobin nya sa musika…dito marami syang nakikilala… sa damit.. sa hitsura… at dahil sa kokonti lang halos ang nakikinig ng Metal masaya ang isang fan kapag merun syang nakikilalang bagong kaibigan na nakikinig rin ng hilig nya…. nararamdaman nya sa totoo lang ang pride sa music na napili nya,,, nagpapalitan ng kuro-kuro at mga bandang pinapakinggan nila… dagdag ko pa na kapag ang mga metal fans ay nagsama-sama..para silang mga pulutong ng mga mandirigmang hindi matitinag… Ika nga ng isang comment dito sa Pugad… “Ang Metal ay isang passion na kailanman ay hindi matitinag ng mga musikang nabuo dahil lang sa fashion..”… papailalim pero hindi lulubog… Ang Metal ay isang parang alak na masarap inumin,,, ayaw ng iba,,pero tayo ay tuloy lang sa pag-inom…Kung sa iba ang musikang ito ay ingay at hindi mo maramdaman ang pitik nito sa iyo,,, ikaw ay hindi para dito…ang siya ay hindi para sa iyo….

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s