Tanong galing…Rex Dig Eduarte..

Tanong: boss, napansin ko lang kanina, sa sobrang init, habang naliligo ako ay pinagpapawisan ako, ang tanong ko po, ang ISDA ba ay pinagpapawisan din? at ano po ang exercise na kanilang ginagawa para sila ay pagpawisan?

Sagot: Hinde eh….

Pero sabi nung taga-sa amin ay “oo” daw…kase kaya maalat ang tubig-dagat eh… parang pawis ng tao maalat….

Yung exercise na ginagawa nila ay “swimming” kase pagpapawisan ka ng husto non eh..ganun din sa mga isda… kaya pinapawisan at umaalat ang dagat..

sana napunan ko ng kasagutan ang inyong katanungan…

Tanong galing kay….Happy Villacrusis Angeles…

Tanong:….Bkt ang february gang 28 lng?tpos kpg leap yr w/c is evry 4yrs ngkakaron aman ng 29??

Sagot:… Ayon sa Merriam-Webster Dictionary…., ang tinatawag na leap year ay ang taon sa kalendaryong Gregorian na mayroong 366 na araw. Higit lang ito ng isang araw kumpara sa isang regular na taon at ang dagdag na araw ay ang Pebrero 29….. Dahil dito, ang Pebrero 29 ang tinatawag na leap day….. Tuwing apat na taon ang leap year kaya ang susunod na leap year ay ang 2016…

Ano ang dahilan kung bakit mayroon tayong leap year? Ang turo sa atin, mayroong 365 na araw sa loob ng isang taon dahil 365 ang pag-ikot ng mundo (rotation) sa palibot ng araw (revolution). Pero ang hindi alam ng iba, di eksaktong 365 ang pag-ikot ng mundo….. Ang isang rebolusyon ng mundo sa paligid ng araw ay binubuo ng 365 araw, 5 oras, 49 minuto at 16 segundo. Kaya di man eksakto, may isang araw na sosobra sa loob ng 4 taon ang ating kalendaryo…..angleap day daw ay ideya ng Roman emperor na si Julius Caesar noong unang siglo B.C. para matugunan ang sobrang oras. Unang ginawang leap day ang Pebrero 24 noong 45 B.C.

siguro naman..seryoso ng konti yan ano…..

anong galing kay …Johnrey Mallanes

Tanong: eto sir tanong lang..bakit ang english sa talong ay eggplant ,wala naman itong egg …

Sagot: Tinanong rin sa akin nung…nagtitinda ng itik sa amin yan eh….Merun egg ang talong… pinakapaborito ko nga ito at ni Chito Miranda eh…. ang talong na may egg ang tawag dyan ay Tortang Talong…

Tsaka merun naman talong na bilog,,, yun yung eggplant kase hugis itlog eh…

Lahat ng talong merun itlog….dalawa pa nga eh….. hindi ka tunay na lalake …kapag hindi mo alam ang tinutumbok ko…

Tanong ulit galing kay Lem Paborito…

Tanong: Sir huling tanong baka nababadtrip ka na kakatanong ko eh😄

sa tingin mo sino kaya nag imbeno ng murang “Putang Ina”? at ano ba talaga tunay na meaning nyan? hehehehe.

Sagot: Walang makakasagot ng eksakto kung sino demonyong nagpauso ng cursed word na yan…. pero malaman kung i-aanalyzed mo… ang Prostitution and oldest profession sa buong mundo….Panahon pa ni Kristo merun na yan…

Yung “PUTA” galing sa mga Espanyol yan… na naisip na cool para sa mga pinoy..alam mo naman tayong pinoy sunod sa uso….

Pero ang pinagtatakahan ko ay bakit puro INA?…ang merung puta… bakit puro putangina… merung namang lalakeng nagpuputa eh…pede namang…

Putanglolo
Putanguncle
Putangbyenan
Putangkapatid sa labas
Putangcousin <—para sa mga pasosyal
Putangfriend <— sa mga mas sosyal
Putangama…

Yun ang pinagtatakahan ko

Sa totoo lang… umapaw ng puta ang post ko na to

Tanong galing kay Lem Paborito…

Tanong: Sir! Tanong lang ulet ?

Totoo ba na kapag umalulong daw ang aso may mamamatay kinabukasan or sa mga susunod na araw?

Sagot: Hindi totoo yan… palabas lang ng Shake, Rattle and Roll yan … Yung nakakakita daw sila ng multo…. kagaguhan iyon… kung nakakakita silan..meaning merun silang third eye? …

umaalulong ang aso kase may nararamdaman silang di maganda sa katawan nila….pwedeng may masakit sa kanila o may sakit sila…yun kase ang way nang pag iyak nila….

Pero yung mga aso ni Chairman kapag umalulong ang mga yun..tangina hindi ka makakatulog.. lalo na kapag may birthday sa kanila… maghapon kang magtitiis sa alulong nila ng ..My Way,, My Love will see you Through…Quando Quando..El Mundo at Youre my World…

Tanong ng isang concerned citizen..

Tanong:Boss..ano po ba ang english ng aswang….iba nmn po kc yung vampira dba..hehe boss wag u ilgay nem ko sa post na nagtanong
ako..hehe..kakaaliw ang page mo…

Sagot:PHILIPPINE GHOUL

Pero ang pede ring…. MANIAC… mga mahilig mag-asuwang ng kapitbahay…mga mahilig manood ng Sabik ni George Estregan
mga maraming scandal… yan mga aswang ang mga yan…..

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s