Wala akong maipost na matino…walang pumapasok sa utak ko.. blangko… walang topic na matino… baka masayang lang ang oras mo… kung babasahin mo pa itong hayup na post na ito na kung ano na lang pumapasok sa utak..walang kwenta,,walang patutunguhan..wag kang magreklamo…kung nasayang ko oras mo….bweno tutal andito ka na rin..Pinoy talaga matigas ang ulo…binabawalan na nga sige pa rin…ano bang mapapala mo kung mababasa mo ito?…merun bang interesanteng mababasa? may mapupulot ka ba?..malalaman mo ba yung sagot sa tanong mo… kung bakit hindi mo naisip nung una na kapag ayaw lumabas yung lalagyan ng disc ng CD/ROM mo ay pwede naman sundutin ng karayom yung maliit ng butas nito… huwag kang mag-aalala parehas tayong tanga naranasan ko rin yan…Tawag ka na ng Nanay mo kain na daw kayo..masarap yata ulam nyo eh… ginataang suso at poqui-poqui… hindi bastos yan pagkain sa Norte yan…. Alam mo dyan sa katigasan ng ulo mo pwede kang mapahamak…alam mo ba iyon… hindi ka yata nakikinig eh..puro ka kase tetris at dota…hindi mo naman mapapasagot dun yung dinidiskartehan mo sa internet ulol… Kung alam mo lang na barkada mo lang yun… nag-papanggap na babae… ang takaw mo kase sa babae..akala mo gwapo ka… mas gwapo Tito Rex ko sa iyo… pati yung kalaro ko ng sungka si Ron-Ron..

Tangina hanggang ba naman dito umabot ka…. ang tigas talaga ng ulo mo…Kung gusto mo magwaldas ng oras… pwede ka naman pumunta sa “Mahal Kita Videoke Var” este…..”Bar” pala tangina nahalata tuloy yung pagiging kapampangan ko….erhirn y392 cowoewij932iowqp pkdsd-ecw dpwkposaid[k shit sorry,..nahilo ako sa pinapakinggan kong Stairway to Heaven ng Black Sabbath,,,ay mali Deep Purple pala…. shit… Led Zeppelin pala sabi ni Tito Rex…ang likot mo kase sa aparato eh..pati ako nalilito….Bweno nasan na pala tayo…ay oo nga andun pala tayo sa katigasan ng ulo mo….. Ilang beses ka nang napalo sa Nanay mo dahil ilang plato, platito, mangkok at pinggan ang nabasag mo sa katamaran mong maghugas? siguro pati yung Sto. Niño nyo nabasag mo na rin ano…. tado ka talaga… mawawalan kayo ng swerte nyan… Siguro nung bata ka ginawa mong alkansya yung boteng plastic ng Family Rubbing alcohol ano… then kapag wala kang pambili ng Humpy Dumpy… dinudukot mo yung baryang naipon mo… tado ka talaga nag-ipon ka pa….sa katigasan ng ulo mo kapag napapalo ka sa Tatay mo kase hinahayaan mong kainin nung tape player yung favorite nyang Tom Jones… doon ka pa lang gumagamit ng “PO” at “OPO” sa Tatay mo kapag napapalo ka… naalala ko pa yung sinasabi mo tuwing napapalo ka ..andun ka sa favorite spot mo yung sulok para nga naman hindi ka gaanong tamaan ng yantok o yung hawakan ng walis tambo..”Ayoko na po Tay..hindi ko na po uulitin… opo Tay..opo Tay”…. tapos isang oras lang gagawa ka na naman ng kalokohan,,,gago ka talaga… ni hindi pa nga naalis yung notebook sa pwet mo….Akala mo ba nuong bata ka hindi ko alam na bawal kang mag-mura…kapag narinig ka ng Nanay mo pakakainin ka ng siling labuyo… nagawa na sa akin yun….maga yung bibig ko…pero ayus lang matigas din ulo ko eh….mana ako sa iyo….Hindi mo na rin maalala siguro nung gumawa ka ng trap para sa mga kalaro natin,,, ang nabiktima mo yung Tatay ko …tapos akong tinuro mo… gago ka… hanggang ngayon andito pa yung peklat… di matanggal sa sebo de macho… pero tanong ko lang nakakalaki ba ng katawan ang sebo de macho?….Marami kang ginawang kabalbalan sa akin…pero tanong lang bakit ako yung napapalo.. ikaw..hindi..? ano?… akala ko nga totoo yung sabi ni Tito Rex… na pinulot lang daw ako sa tae ng kalabaw…umiyak ako nun…dahil tinawag akong Kalabaw….eh Walrus ako eh… alam kong parehas silang may sungay… pero hindi sungay yung nasa walrus tanga…ngipin yun…pangil… Ewan ko ba matalino ka naman pero hindi mo ginamit sa mabuting bagay..hindi ka nagkawang-gawa… hindi ka nagdonate ng dugo mo sa mental…

Pero dahil sa katigasan ng ulo mo kaya ngayon nawala ka sa poder ng magulang mo…. akala mo… kaya mo na… ni wala ka ngang trabahong matino ngayon eh… at nagmamalaki ka pa….bakit anong maipagmamalaki mo yung computer mo na walang monitor? sus nagfefacebook ka walang monitor yung computer nyo…Alam kong malakas ka sa inuman at ako mahina… pag nalalasing ka lahat ng tao kumpare mo…yung waiter, yung may-ari..pati sa kalasingan mo pati table mong babae..tinatawag mong kumpare….kaya nga laging butas bulsa ko sa iyo…pinainom na nga kita..gusto mo pang mag-table… at ako pa magbabayad..tangina naman oh..oh heto P500…wag mo nang bayaran…. bayad ko yan dun sa utang kong 5 months ko nang di nababayaran…buti pina-alala ko pa sa iyo….Mahirap lang talaga at sadyang ang liit ng mundo…parehas pa tayong kinuhang kumpare… ang masama pa inutangan mo pa ako ng P700… pakimkim sa inaanak natin..eh P700 lang pera ko nun… nagmukha tuloy na ako ang walang binigay ..ikaw meron….Gago ka talaga Pare,,, tangina naging Pare pa kita sa lagay na yan… Alam kong binabasa mo ito…at tinatawanan mo ko… pero mas masaya ako sa iyo… yung pinaka-ayaw mong babae si Mai-mai…naging asawa mo ngayon …ayan sa katigasan mo ano-anong napapala mo… ewan ko ba swerte ka parin at nakuha mo pang mambabae sa internet… wala ka namang napapasagot..feeling mo kase ang gwapo mo…pero payo lang…. ibalik mo na lahat ng hiniram mong gamit sa amin,,, yung kalan, yung electric fan,,yung pangkati sa likod ko, yung kutsara, yung arinola, yung ashtray,, yung sepilyo ko,, naisip ko lang ma sa iyo na lahat ng iyan….tutal naka-uwi ka na sa inyo…pakasaya ka dyan…wag ka ng bumalik..alagaan mo yung Lola mo… pati si Doglas..wag mong gawing pulutan,,,tado…Huwag ka ng magcomment sa Facebook ko na padaldahan kita ng P1000 pamasahe mo pabalik dito…Tangina mo para na rin akong nagpakamatay nun…. sige nasayang lang oras ko sa pagtatype ko sa iyo,,, iboblock na kita…hindi mo na ako makikita pa… hindi ka na makakacomment na kailangan mo ng pera… yung inipon mo dun sa alkansya mo basagin mo na…. alam ko tagpipisong malalaki lang yun..di na tatanggapin sa jeep yun…Sige na alis na ko…..Pare….

Tangina sa katigasan ng ulo mo…akala ko wala akong masusulat…ayan… nagkaroon tuloy…

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s