Ang Era na ito ay parang masalimuot ang musika ng Pinoy Rock… after nung eksena noong nasa highschool ako nung 90’s akala ko hindi na mauulit pa ang eksenang ito,,,Dahil masyado ng nasa mainstream ang m…ga POP Music lalo na ang mga Boybands,, at hindi mabilang na RnB hits na laging pinapatugtog sa mga Radyo… Pumaibabaw pa ang tinagurang fabfour ng Asia (putragis) ang F4 na lalong ikinagunaw ng mundo ko.. ito siguro ang roots kung bakit ang mga ibang pinoy ay naadik sa mga tanginang K-Pop na yan…Wala pang Mp3 player at Ipod ng panahon na yun..at pawala na ang mga Tapes..dito nag-start na sumibol ang mga CD’s at unti-unting pinapanganak ang pamimirata….Nag-kasya na lang ako sa pakikinig ng mga Musika noong 90’s sa mga CD’s at natitirang tapes..Ito rin ang panahon kung saan ang taeng Smart ay naglabas ng promo sa Text na PURE Text hindi ka makatawag at hindi ka pwedeng tawagan..once na niload mo itong taeng promo nila…ito rin ang panahon na mabenta ang 3315 o 5510…bigtime ka kapag merun kang 500 load sa CP… at nagkalat na rin sa radyo at dyaryo ang mga Textmate…

Una kong narinig noong 2004 yata yung Noypi ni Bamboo dun sa Café ng kaibigan kong babae sa Baguio… medyo nagulat ako at bumalik sa Pinas itong si Francisco Manalac..wala na rin ang Eraserheads ng taon na yun…tanging Parokya ni Edgar lang ang nanatiling matatag at hindi matitinag….andun pa rin ang Wolfgang….at hindi ko na gaanong maalala dahil busy ako sa work ko noon kung ano anong bandang baguhan ang biglang nasusulputan…ang 6 Cycle Mind na medyo ayos pa ang unang kanta nilang Sige..andun na rin ang hindi pa gaanong matunog na Slapshock na purong NU Metal pa ang binabanatan nila…Lalong sumikat sa ere ang Rock nang inilabas sa madla ang pinakasikat na ultimong mga bata ay kayang kantahin ang Narda ng Kamikazee…Kung iisipin at ikukumpara ang eksena noong 90’s sa 2000 mas maangas ang dating ng mga banda noong 90’s..although hindi naman “gaanong” nag-iba ang timpla… makabago nga lang ng konti…Masasabi ko na rin siguro nag-balik na naman sa ere ang mga banda…yung nga lang hindi sila ganung ka-rebelde ang dating ng mga lyrics nila..unlike nung una….pero umayos ang sounds ng matuklasan ko ang Greyhoundz at Quezo…

Kaya ng sumikat ang mga Pogi Rock na ang tema ng musika nila ay pina-Rock na love song..maraming mga kabataan ang naadik dito…. Lalo na kung makikita sila ng Live kung tumugtog….Syempre sabi daw nila…Swabe na sa tenga,,,swabe pa sa mata….Tangina nasabi ko na lang…pero wala na akong magagawa dun…. Sa ayaw man o gusto mo kapag yung radyo ay may programang puro Rock ang tugtugin ay siguradong kasali sila…Kumbaga..papasok sila sa tenga mo na hindi mo namamalayan…Enjoy naman kahit papano ang musika noon..kahit iilan lang ang pinapakinggan ko… yung mga banda noong 90’s maliban sa Parokya ay hindi na gaanong naisasaere kase,,indemand ang tema ng malinis at mala-boyband na Rock….

Ika nga ng eksena noon,,, nagtapos din noong late 2000 ang Pinoy Rock scene at gaya ng dati pumailalim na naman ito sa POP… at kahit sabihin natin na nagkaganon nga..hinding hindi nila mabubura hanggang sa mga susunod na henerasyon ang Rock…Yung nga lang nakakamiss din ang panahon na iyon…Yung pag-hingi ng Testimonial sa Friendster….Sikat na sikat pa ang Bangbus at kulelat ang Archer ko sa Ragnarok… gumastos ako ng 500 load para sa punyetang avatar sa Gunbound…Pinasasali ako ng tropa ko.. kikita raw kami sa OL game na Lineage…Dito ko natuklasan ang mga foreign band na Cradle of Filfth, at Coheed and Cambria…Ito rin yata ang panahon na sikat ang Stupid love ng Salbakuta…Dito ako natutong uminom ng husto..Di pa uso ang Youtube at nangongopya pa siguro ng format sa Friendster si Mark Zuckerberg…Mukha pang Orig ang mga piniratang CD noon na medyo ayos pa ang packaging…nangongolekta pa ko ng FHM noon..Nagmahal na rin ang mga Songhits..Apple of the eye pa si Britney noon (di pa laspag)….Nagpapasama pa yung tropa ko na manood daw kami ng A Walk to Remember ni Mandy Moore..Ganunpaman..nararandaman kong tumatanda na ang edad at kaisipan ko…hindi ang katawan …

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s