Ang bahay ay puno ng nagkalat na damit, mga panty’ng nangingitim, mga pagkaing panis, nanlilimalid na kasilyas.. Muta ng mata, laway sa pingi, tutuli sa tenga, mga anino sa loob ng bahay nya ay makikita, Batang umiiyak, kalderong walang laman, mga natumbang kandila, tanghali na sya pa rin ay nakahilata. Diaper ng anak na hindi man lang pinapalitan,, halos tumul…o na ang dumi sa hita ng kawawang nilalang Dingding na puno ng sulat ng krayola, poster ni Avril Lavigne, umaalingasaw na basura, isang linggo ng nakatambak. Pagpasok mo sa bahay, mapanghing hangin ang sasalubong sa yong mukha, pero sya ay ubod ng linis kung pumorma… Mga tooter, foil, sachet sa lamesang natutuklap ang balat… arinolang puno ng dilaw na likido na hindi natatapon.. Sige pa rin ang pag-iyak ang bata na parang hindi naririnig ng babaeng nakahilata sa kama na litaw ang punda. Namumutiktik ang ipis sa ilalim ng kama na ginawang pugad, mga dagang kuba nilalamon ang aparador.. Kung dati maririnig mo sa bahay na ito ang mga salitang putangina, gago tarantado, hayop at punyeta.. Ngayon tanging palahaw na lang ng paslit ang pupunit sa katahimikan dala ng tahanang daig pa ang kulungan.. Mga pera sa ibabaw ng lamesa ay nagkalat na kinita nya sa kanyang pagtihaya.. Ganyan ang tahanan ng isang magpuputa…

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s