Nabuwang ako sa mga tao na pasikat minsan… na akala mo ubod ng galing kung magsalitamagbibigay ng isang trivia na parang sila lang ang nakaka-alam at minsan sablay pa nga atang yabang pa kung magsalita…kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa page natin na hindiporke mukhang kapani-paniwala ay paniniwalaan na kaagad…malay mo inimbento nya lang yun para magmukhang maalam ang bugok…at magsusuot pa ng kung ano-ano sa katawan yan..at tungkol naman sa fashion o kasuotan ng mga “rockers” daw..na kung ano-anong kaartehan ang pinagsusuot para mukhang “IN” sila sa mundong gusto nilang pasukin..at hahanap ng way para makarelate sila..kumbaga halimbawa may nagtanong kung sino yung nasa t-shirt nya at kahit hindi nya alam babanat yan ng maling information…para syempre IN…kagaya ng pagsusuot ng Swastika (Nazi Logo)…yung mukha ni “AMY”…Che Guevarra’s face…yung Russian Flag…mukha ni Mao tse tung…

Kagaya dun sa mga t-shirts na nakikita mo sa mga “Rakista” kuno na nagkalat sa daan,,, na kung ibalandra sa publiko ay astig na astig daw ang dating…syempre yung mga makakasalubong nya iisipin nyan ay “Uy “Rockers” astig”… putragis nakasuot lang ng ganun Rocker na ang dating?..mabuti pa yung kasama ko na nakaAngry Birds na Kulay Pink eh… headbang nang headbang… kahit di nya alam kung anong hineadbangan nya….Anyways nakikita ko na rin madalas sa mga damit ang pagmumukha ng dating diktador na si Adolf Hitler na ginawang punk…kumbaga ginago ang pagmumukha nya, kunsabagay eh gago naman talaga yung hayop na nilalang na pumatay na mahigit 6 million Jews nung World War II..kaya ayus lang siguro…

Kaya hindi na ako magtataka kung pati sya ay magaya kay Che Guevarra na naging bokalista ng isang banda… tanginang yan….baka isang araw matanong mo sa isang taong may suot-suot na Hitler at isagot nya “Sya yung astig na bokalista ng GREEN DAY” ….aaahhhh hayop na yan…ipupupok ko na lang ang bote ng mucho sa ulo ko..para mawala ang sakit nito…Bakit di kaya nila muna isipin kung anong isasagot nila… hindi ba nila naiisip na “Uy ayokong sumagot..hindi ako sigurado… wala akong nabasang ganito”… ang siste pa eh ipagmamayabang talaga eh….marami akong nakakasalamuhang ganyan…lalo na kapag..kwentuhan..syempre paistaran..walang patatalo… kaya kung alam mo ang sagot at sure ka dun…wag mo ng sabihin pa…hindi ka rin naman paniniwalaan…debateng katakot-takot lang kase…. baka sa tindi ng alak ng sumanib dung sa nagmamayabang na yun..eh lagyan ka ng NAWASA sa tagiliran…kaya manahimik ka na lang..ganyan ang ginagawa ko minsan,…. lalo na kung bagong kakilala..kase di mo naman alam..kung anong klaseng demonyo ang kumokontrol sa utak ng ibang tao eh…

Balik tayo dun sa Fashion…pambihira..napalayo tuloy ako…Dito sa atin kase sikat din sa mga damit ang mukha ng mga ibang bayani kagaya nina Jose Rizal… o ni Ninoy Aquino…Bakit sila hindi napagkakamalang mga bokalista ng isang banda?…. Marahil sa malamang alam nila kung sino-sino sila….mula noon nasa Elementarya tayo hanggang mag Kolehiyo..laman lagi sila sa pinag-aaralan natin…Ubod ka na lang siguro ng kabobohan kung tanungin kanila kung sino si Rizal…tapos sabihin mo… Bokalista ng Siakol…at tangina…hahampasin na lang kita ng gitarang luma…pag ganun ang sinagot mo…Ang kultura kase na nakabuntot sa isang pagiging Rocker at Metalhead ang Revolution ang pagiging matapang… rebolusyon na kapag kinabit sa isang bagay ay nagiging mas matigas at mas matapang ang dating..kaya ang karamihan sa mga Rockers ay gustong gusto nilang magsuot ng isang simbolo…simbolo ng katapangan kuno…kung ganun naman pala… bakit hindi yung mukha ng mga matatapang na tulad nina.. Bin Laden, Kumander Robot,..Abu Sayyaf… mga Amapatuan…matitigas pala ang gusto nyo eh….

Ako naman aaminin ko na mahilig din ako minsan sa pagsusuot damit na may tatak ng mga banda..pero iisa lang koleksyon ko talaga ang BEATLES…merun din ibang mga banda para maiba…sa atin kasi..kapag sinuot natin ang isang damit na may tatak ng isang banda means gusto natin o idolo natin ang banda di ba? at alam natin ang background nito… na kapag may nagtanong may diretso kang sagot… hindi ka mapapahiya kumbaga…pwera nalang kung binigay lang o niregalo sayo yung T-shirt…OK…ganito nalang ulit…kahit anong pang suot mo..ay ayos lang..ang mahalaga..yung essense ng kagustuhan mong makinig sa musikang trip mo wala sa t-shirt yan gunggong…wala rin sa porma yan….nasa musika yan… tandaan mo….yung ngang nakasabay ko sa GIG ambaduy ng porma… ang kapal ng salamin sa mata…nakalong-sleeves na nakamaong..pero ng bumira yung banda…humeheadbang habang sinasabayan yung kanta… alam na alam nya ang pinuntahan nya…na walang pakialam kung anong tingin ng tao sa kanya Palibhasa kase yung ibang mga “RAKISTA” kuno..kaya ubod ng porma ay para mambabae lang ang mga tarantado eh..Nakakahiya kayo loko…. wala kayo sa linya…. makalayas na nga muna😄

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s