Yung mga ibang lalake na hindi na naming kagwapuhan at nanliligaw na ubod ng papogi kung pumorma..hindi sa nakikialam ako sa diskarteng hilaw nyo, hindi nadadaan sa papogihan ang labanan. Tandaan nyo… nasa diskarte yan at sa pagkatao mismo ng lalake na minsan kahit anong pormang konyo nyo at kapal ng pulbos sa pagmumukha nyo…hindi yan uubra sa mga babae…nagmumukha lang kayo naglalakad na bangkay sa kawalan,, at wag masyadong magmayabang kung P100 lang ang laman ng wallet nyong makapal na puno ng prepaid card para magmukhang maraming laman,,, ginagago nyo lang sarili nyo..sa tingin nyo ba sasagutin kayo ng nililigawan nyo? Sus magisip-isip nga kayo…. Maging simple na lang at ipakita kung sino talaga kayo,,,, wag umastang mayaman kung wala naman…wag yakapin ang mga bagay na hindi maabot ng iyong kalagayan sa buhay,, at kung sa tingin nyo merun kayong talento,, pagyamanin nyo na lang ito..at least baka makapuntos pa kayo… merun pa kayong pag-asa.. hindi kayo sing yaman ng mga anak ni Lucio Tan (may anak na si Lucio Tan?) na kayang paikutin ang mga ibang babaeng halos material lang habol sa mga ibang lalake… kung seryoso ang labanan mo sa isang nililigawan,,,at sinagot ka naman….kahit anong hirap pa kayo…sasamahan at sasamahan ka nyan,,, sa hirap at ginhawa,,,, sus,, naging seryoso tuloy ako…wag nyong pahirapan ang sarili nyo… mas maganda ang daloy ng panliligaw nyo kung magiging totoo kayo sa kanya at totoo din kayo sa sarili nyo…

At pag ginawa nyo yung sinasabi ko, ke maniwala kayo o hindi ay ayus lang…at kung sinagot naman kayo..aba swerteng damuho kayo..😄 kase kapag sinagot kayo ng nililigawan nyo na alam na nya o tanggap nya na hanggang dun lang ang kaya nyo meaning mahal ka nya… hindi sa pera kundi sa iyong mismong pagkatao nyo…

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s