Naglista ako ng mga masamang bagay na pwedeng mangyari during concert na minsan ay hindi talaga maiiwasan… pero hindi naman lahat ay puro kamalasan syempre,….merun din uuwi kang may ngiti sa labi… malay nyo yung concert na yun pala ang magdadala sa yo sa ginhawa : )…iba-iba ang pwedeng mangyari sa araw na yun kaya..medyo handa ka rin… wag aanga-anga baka ang ginto ay maging metal pa … heto yung mga magagandang bagay na posibleng mangyari sayo during concert…

1.Manalo sa isang Pa-raffle o pa-contest…… merun din ganito at minsan madalas pa nga eh… lalo na kung inisponsoran yung Concert ng isang Tobacco o Liquior Company…. Malay mo makakuha ka ng isang Case ng Redhorse….

2.Makakuha ng Authograph ng Idol mo…. Dapat abangan mo rin kung saan yung entrance at exit nila…para kung makakuha ka ng tyempo…papirma mo na yun kung anong gusto mong papirma…at least merun kang pagmamayabang sa mga tropa mo…

3.Makahanap ng Syota… heto yung madalas gawin ng ibang concertgoers…. Ang maghunting ng mga natitipuhan nila… o makakakilala sila ng hindi sinasadya….. kaya kung medyo ganito ang trip mo…kelangan mong magdala ng extra cash…baka mapasubo ka ikaw rin…

4.Makapulot ng pera… kung medyo malakilaki ang nakita mo like 100,000 above… ibalik mo na lang..punta ka sa malapit sa Stage at pa-announce mo na may nakita kang pera… hindi mo pinaghirapan yun…kaya wala kang karapatan na gastahin yun… isipin mo na lang kung sayo mangyari yun di ba?,,,, at least nakatulong ka sa kapwa…pero kung Php500 below…sayo na yan… malas mo lang kung play money …

5.Makakuha ng souvenir…. Ito yung isa sa hinihintay ko eh… yung mga personal belongings ng mga Banda ay ihahagis sa madla…. Dapat manalangin ka na sa location nyo mismo ihagis yung gamit na yun…malas mo lang kung t-shirt…sigurado gula-gulanit yan…pagdapo sa yo…

6.Mameet mo at makasama sa litrato ang Idol mo…. Kung General Luna yan… nako swerteng ungas ka pag nagkataon… at may libre pang halik kina Bea at Nicole…tyak di ka makakatulog nun pag-uwi mo at malamang hinahaplos mo pa ang labi mo o pisngi hehe

Kaya nga..kung sinuswerte …at makukuha mo ang mga sumusunod na yan…. Balato naman :D…isa lang masasabi ko… Congratulations !!!!!

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s