Lagi kong nababasa sa anumang forum ang salitang RAKISTA, na kumbaga ay tinagalog na salita ng isang Rocker o slang..,, na siguro ay hango lang ito sa PUNKISTA noon,, Alam mo naman ang mga Pinoy mahilig mag-imbento ng kung ano-anong salita,, Bweno aminado akong masyadong naging “Sell-outs” ang dating ng salitang ito, na masyadong naging mabenta sa pandinig ng kung sino-sino.. Sa aking pananaw eh ayos lang, bukod sa wala naman akong mapapala kung maging ano pa man ang salitang yan eh.. ayos lang talaga yun lang,,, Napansin ko kase sa mga forums, comments, etc etc,, ay nilalait ang salitang Rakista, masyado daw mababa ang dating,, malamang mga gagong purist na metalhead o rocker ang may pakana ng pang-aalispusta na yan,,, Kesyo ang word na yan,, ay sinasalang ang mga Posero daw,,, yeah yan ang nabasa ko,, na napakunot-kilay ako,, napailing na natawa,,, ganun ba talaga ang ibig sabihin ng Rakista? Kapag nakikinig ka ng Rock o Metal song ay Rakista na ba tawag dun?… Ang salitang iyan kase ay direktang tagalong talaga ng Rock… Kung literal mo na itatranslate ang ROCK ay  BATO naman ang kahulugan,, Ano ba ang direktang pinoy term ng ROCK Music? Musikang Bato? Hmmm di naman yata madalas gamitin ang words na yan,, kung ginagamit man ang Musikang Bato ay parang title ng isang compilation album o studio album mismo ng banda… Pero kung purong tagalong daw ayon dun sa nabasa ko ay “Tugtuging Bato”.

Bweno napalayo tayo huh🙂 Kaya kung ang direktang tagalog ng Rock ay Bato,,, hindi nga Rakista ang tawag,,, eh kung hindi rakista ang tamang term sa mga nakikinig ng “Tugtuging Bato” eh ano? Ahhhh alam ko na,, ang direktang tagalog ng ROCKER ay NAGBABATO…Pero ang pangit naman parang Durugista ang dating…Parang mga masisiba sa Methamphetamine🙂 Isipin mo na lang kapag merun concert, tapos sumigaw yung bokalista na “Buhay pa ang mga Nagbabato!!! Di ba masagwa … Kaya para sa kin ayus na yung slang term na Rakista…(kahit di naman sinisigaw sa concert yan),,, Balik ako dun sa “poseur” thing na nabasa ko… yung isang “Rakista”kase ay nagpost ng blog about dun sa pagiging mahiligin nya sa musikang rock.. Sinasabi nya dun kung paano sya nahilig sa mga banda at isa daw syang tunay rakista,,, talaga dinidiin nya o pinagmamalaki nya ang dugong nanalaytay daw sa kanyang ugat ay ang pagiging rakista… So ok lang sabi ko sa isip ko..eh trip mo yan eh…Napansin ko dun sa isang comment ay merun isang commentator.. na tinira nya yung nagblog.. sinabi nung commentator na yun na ang pagiging rakista daw ang napakababa klase ng mga listeners o fanatic ..yung mga sounds na katulad ng Kamikazee, Mayonnaise o Rocksteddy dun lang daw ginagamit ang salitang yan… wala daw kwenta… dagdag nya pa subukan daw nyang makinig ng mga Megadeth, Metallica, Lamb of God,,, yan daw ang tunay sabi nung ungas na commentator..medyo natawa nga ako eh… alisin na daw ang salitang Rakista,,, kapag Rakista kaw daw ay Posero ka… Putragis.. sabi ko sa sarili ko… isa na naman sa napalista sa mga maangas na Metalheads to….Ugaling gangster ang bugok,,,

Para sa akin wala naman masama kung i-label natin ang sarili natin kung Rocker, Rakista, Metalhead, Punk, Punkista, Nagbabato, Emo ,,, wala dun eh..wala dun sa ano ka.. andun sa pakikinig ng musikang gusto mo.. Ang tunay na katawagan sa mga “Rakista” para sa akin ay Rock Fan o Metal Fan,,, kase nga fanatic ka sa musikang rock eh…kagaya ng mga mahihilig sa Jazz, Blues o Country,, Country Music Fan…ganun.. ang sagwa naman kung COUNTRITISTA ang tawag Ang rockers ay nag-exist kase sa ibat-ibang forms throughout the years at minsan sila ang kalaban daw o odds sa mga “rappers,” sa pamamagitan nga ng musical interests..which na nangyayari naman talaga…Ngayon kase maraming mga rockers na-aakusa na “poser” ang mga kapwa rockers nila…Marami kaseng naniniwala na lalo na ang mga “Purist” na iisa lang ang type ng rock na pinapakinggan ng isang “Rakista” o Rocker ( a punk might call a metalhead a poser) Pero hindi totoo yan… nasa tao lang yung kung anong pipiliin nyang pakinggan..its a matter of your own choice or taste either… ang rocker sa general term kase, ay nakaka-confused para sa mga tao na gustong maintindihan ang  fine line ng isang rocker at  poser…. Persecution of your own kind is a common affair with these “people”… (talagang people eh), Talagang ganyan.. hindi lahat ng tao ay ma-coconvince mo sa isang bagay na dapat na ipaunawa sa kanila… Ibat-ibang ang ating pananaw at panlasa sa Musika…

Walang masama sa kung anong itawag ng iba sa mga mahihilig Tugtugang Bato… ang mahalaga lang alam mo ang nilalaman ng awiting pinapakinggan mo.. hindi rin mahalaga ang Fashion o Style sa ganyan,, hindi naman looks ang kinahiligan mo sa ganyang klase ng musika..kundi ang mismong angas ng dating at bigat ng sounds na hatid ng Musikang Metal o Rock… Kaya Rakista ka man o Bakal Ulo o Punkista ay ayus lang… wala naming magbago siguro sa taste ng musika mo kung ganyan ang magiging katawagan sayo,…wala talaga nasa utak lang ng mga animal na mayayabang na ibang rockers o metalheads yan..
Pasensya na medyo mapapadalang na lang akong magpost ng mga facts, blogs, etc etc… nahuli kase yung proxy na gamit ko kaya ayun na-blocked ulit… Tangina kaseng IT dito pa-epal…sarap ampasin ng sirang gitara sa ulo,,,Anyways… gagawan pa rin ako ng paraan para…. Masagot ko ang hindi nyo tinatanong at mapost ko ang ayaw nyong basahin, at mga vids na ayaw nyong panoorin :)……😀

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s