Hindi ito utos… at lalong hindi ito Sampung utos Pt. 2
”The Walrus”

Huwag kang tatango, kung hindi mo naman nakuha ang sagot.

Huwag kang babalik sa pinang-galingan kung nakatakas ka na dito.

Huwag kang tanga, sagutin mo ang tanong.

Huwag kang maarte, masarap ang sauce ng fishball.

Huwag kang huwad, dapat sayo magpakatotoo.
Huwag kang mamintas kung mukha moy daig pa ang kabayo.
Huwag kang hangal alam kong maraming scandal video ang cellphone mo.
Huwag kang matigas ang ulo, sundin lagi ang payo sayo.

Huwag kang pakiyeme, dahil marumi ang mundo.
Huwag kang umiinom ng alak, kung bubugbugin mo lang asawa mo, gago!
Huwag kang papogi, bakla lang ang may pulbos.
Huwag kang susuko, kung alam mong meron pang ipapanalo.

Huwag kang manood ng Porno, tapos mangre-reyp ng kinse anyos.
Huwag kang magsusugal,, tingnan mo ang pamilya mo, gutom.

Huwag kang mag-ala Jason Ivler, marami ang magsusumpa sayo!
Huwag kang magsimba kung numero sa jueteng ang nasa utak mo.

Huwag kang tutulog-tulog, maghanap ka naman ng trabaho.
Huwag kang magreklamo kung ulam mo ay puro tuyo.
Huwag kang papatol kung alam mong sex lang ang habol.
Huwag kang magagalit sa mga EMO, katulad mo sila rin ay tao.

Huwag kang maghanap ng tagumpay, tagumpay mismo hahanap sayo.
Huwag kang mawalan ng pag-asa, maraming may kapansanan ang hindi sumusuko.
Huwag kang umiyak, kumpleto pa naman ang pamilya mo.
Huwag kang tatakbo kung pwede naman lakarin ito.

Huwag kang magyabang ng yaman nyo.. kung galing naman sa pangungurakot.

Huwag kang titira ng patalikod, harapin mo ang kumakalaban sayo.

Huwag kang post ng post, alamin ang nilalaman nito.
Huwag kang malungkot, marami ang nagmamahal sayo.

Huwag kang pupunta sa banyo at paglabas mo ikaw ay hapong-hapo.
Huwag kang pumuna na lang, tingnan mo rin ang ginagawa mo kung matino.
Huwag kang magpakamacho, mapagkakamalan kang Masculados.
Huwag kang mainip kung minimum lang ang sweldo.

Huwag kang mabugnot, nasa tabi mo lang ang mga kaibigan mo.
Huwag kang mandiri sa taong grasa,, kung pagkatao mo ay mas mabaho.
Huwag kang maghintay ng kapalaran, hanapin ito.
Huwag kang magkusang loob kung puro reklamo ang nasa puso mo.

At ang higit sa lahat…
Huwag kang maging aso….

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s