Nagpapatugtog yung kapitbahay ko ng Rock Music,.. Parokya ni Edgar to be specific… Ayos’,, sabi ko sa sarili ko..kase naman nung nakaraan araw, Eh tangina nagsawa ako sa kakaulit nila ng taeng “Teach me how to Dawgie” na hindi ko na maalala kung ilang beses nila itong sina-ERE …. nakakabanas syempre..wala naman akong magagawa…eh oras nila yun eh… ang nakadagdag pa ng inis ko ay… sira yung speaker ng computer ko kaya di ako makaporma… na-misplaced ko rin yung Headset ko na para kahit papano eh.. matakasan ko ang hayup na beating ng kantang iyon ( pucha talaga)… pero ngayun medyo ayus na kasi..sa PNE lang yata kami magkasundo ng tugtugan ng hayup na mga dancers na ito (hahah sorry sa words,,talagang hayup eh no?)…

Ok..ok… ayan na naman ako sa mahabang introduction eh… daming mga pautot pa eh…PUNTIRYAHIN natin yung Title ng Blog na ito…. Yung kanta kase ng PNE ay “Chikinini” na ni-remake nila sa 90’s hit ng YANO na “Banal na Aso, Santong Kabayo”… na pinalitan nila ng Explicit Lyrics.. direkta kumbaga.. na kung babalikan ang original na kanta ay puro sa mga taong nag-aastang Santo ang purtirya ni Dong Abay,,,Tapos.. biglang version ng Parokya ay naging “bastos”… like “Nagpadale”o “Tite” ganun.. medyo naging “Bold” na ang mga banda ngayon sa Pinas di ba? Na sinimulan ang isang pundasyon noong 90’s sa maangas na salita o bastos sabi ng mga MORALISTA (ayun,,sumasapul na),, Masyado ang mga moralista dito sa Pinas… lalo na ang MTRCB,, o ang Board of Fucking Censor dito sa atin…kung maka.. react eh…parang ang sama sama mo na…. Bakit di ba sila nagmumura?.. sabi nga ni Lourd De Veyra,,lahat daw tayo ay PUTA… hindi nga lang halata yung iba kase… magaling magtago…ewan ko hindi ko rin gaanong naiintindihan ang ibig sabihin nya sa salitang iyon…..Isa lang talaga ang pinapasapul nya…”Wag magmalinis!”…

Ang Pinoy kase minsan ren ay mahilig gumawa ng salitang pamalit sa isang salitang masyadong Bulgar (para pantago sa mga Moralista)…. Sa ibang bansa.. at kung mapapansin nyo sa mga Hollywood Movie..open naman ang salitang “Sex” sa kanila..ang Fuck…ganun na hindi pinapalitan ng kung anong salita..para maitago lang ang tunay na pakahulugan nito…Masyado ba tayong kumapit sa nakaraan? Sa pagiging… “Maria Clara” esque?…Dahil sa puro Katoliko ang mga tao dito?? Eh bat dito sa atin ganun no? Bakit porket English..masarap pakinggan at sosyal pakinggan ay ayus lang?..kapag tagalog na mura ba masagwa? Eh isa lang naman ang kahulugan nyan….kapag tinagalog ko ang salitang “Fuck You” ay maraming mandidiri sa akin?..Masyadong lang talaga yung ibang tao… na kung maka-asta ay ubod ng puti ang pagkatao..na kung tutuusin eh mas marumi pa sila sa mga inakala nilang mga taong puno ng kabastusan sa utak…Mga Gago!….Mga moralista rin kase ang dahilan kung bakit pilit ang mga Pinoy na gumagawa ng bagong pananalita…para may maipahayag lang sila… direkta man o hindi…

Lahat na lang hinaharang ng mga Moralistang yan,, kagaya ng Sigarilyo sa Magazine,, Nakahalf-naked na tao sa BillBoard,,Album designs,, Lyrical Content ng isang Kanta,,, Pelikula,.. Arts,,,, Ano pa ba?..Lahat na lang… kulang na lang ay ikulong tayo… may sarili tayong pag-iisip,,alam naman natin kung anong masama at mabuti diba? Tangina..di na tayo mga bata…para ipaunawa sa tin ang bawal… alam mo na masama gagawin mo pa ba? Di ba?..ginawa pa tayong mga walang utak….Heto pa…kung hindi dahil sa pambabatikos nila… malalaman mo bang issue na hindi naman dapat malaman ng publiko..…Halimbawa sa isang magasin.. na merun nakahawak na yosi..kung hindi ba naman tanga ang mga yan….Sinapubliko pa nila..kung hindi nila pinuna yun..,malalaman ba natin? Walang issue..walang pag-uusapan… O sadyang gusto lang nilang magpasikat? Ahh baka nga ganun….

Merun tayong karapatan na sabihin ang nilalaman ng utak natin…pero kaakibat nito ang isang malaking responsilibidad..(sabi nga ni Spiderman..”Great powers, comes great responsibility..hehehe).. na dapat merun din limitasyon ang pagpapahayag natin ng damdamin… Pero kung ganito namang makapansin ang mga Moralistang ito…eh talagang magrerebelde tayo… at gagawa at gagawa tayo na labag sa kanilang kagustuhan..eh ganun din eh… .. Tsaka noon pa nangyayari ang kalakaran na ganito… noong middle age pa yata… di na bago kumbaga…Habang sila nagcri-critized sa atin..patuloy pa rin tayo sa ikot ng mundo ng ginagalawan natin..bahala na kung batikusin nila tayo…Siguro maganda rin yun..kase sisikat ka eh..paguusapan ka…: ) at siguro para balanse ang mundo… kaya merung kokontra sa bida hehehe..Pero patuloy naman nananalo ang mga bida…:P..

Heto patapos na… heheh nahilo naman kayo ano?… Kahit anong gawin ng mga moralistang yan… hindi nila malulubog ang mga kagustuhan natin… Kahit anong hila nila sa atin.. patuloy pa rin tayo sa pag-angat… patuloy na gagawa ng paraan para magpahayag ng saloobin,, pampulitikal man o kahit na ano… Hindi nila madaling matibag ang nagpupuyos na damdamin ng mga taong pilit nilang kinakalaban…Plastic ang mga Moralistang yan… wag nilang idahilan na hindi rin sila nakakagawa ng kamalian…na kung tutuusin ay minsan sila pa nga ang mas nakakasulasok ang amoy sa mga taong inaamoy nila na mabaho daw……Kaya sa mga Moralistang makakabasa nito… heto sa inyo..TANGINA NYO!!!…:)

Peace…(sabay ganun eh),,Ayus na keyboard ko…pinalitan ko na heheheh

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s