Ang panlalakbay ay isa sa pinakamagandang epiko na pede mangyari sa buhay ng isang nilalang… kagaya ko mahilig din akong maglakbay… ako’y napadpad sa isang lugar na gaya ng Baguio…. maganda daw ang buhay dun…kase malamig..malamig lang.. ganun..ewan ko kung anong kinaganda ng malamig..,basta yun lang ang dahilan ko kaya gusto ko dun… Bale bente uno anyos ako ng mapadpad ako sa mabundok na parte ng norte na iyon… nakakagaan ng loob sa katulad ko noon na first timer na pupunta dun…dalawang bagay ang pinunta ko sa lugar na iyon…ang magtrabaho at mamasyal…yan ang bagay na magiging priority ko sa akin buhay…So.. heto na sabi ko sa sarili ko at bago ako sumakay ng bus.. kumain muna ako ng almusal, pagkatapos ay humithit ng sigarilyo,, sabay tapon sa basurahan,, nakaready na rin jacket kong adidas na binenta sa akin ng isan daan..sayang naman kayang kinuha ko na,, pandagdag din ng porma,,,

Habang ang konduktor ay sumisigaw.. ako ay sumakay na sa Victory Liner na de aircon… ako lang mag-isa… saka ko na lang iispin,, kung saan ko hahanapin sa Baguio ang animal na nagrecruit sa akin dun… ang tanging sumasagi lang sa isip ko ang lamig ng lugar… habang nakaupo na ko sa malambot na upuan ng bus,,.. napabuntung-hininga ako dahil panibagong chapter ito ng aking buhay,, ibayong pakikipaglaban kumbaga… natanong ko rin sa akin sarili na… Ano kaya ang magiging kapalaran ko?… Sino kaya ang mapapangasawa ko? Mura ba talaga ang Ukay-Ukay don? Ahhh Ewan… Marami marami akong mga tanong na tanging tadhana lang ang makakasagot nito…habang akoy nagmumuni-muni.. hindi ko namalayan na papaalis na pala ang bus na sinasakyan namin..sabi ko sa sarili… Heto na talaga..sabay ngising demonyo… Kinapa ko ang dulo ng akin Khumbella bag (oo,,buhay pa yung akin..) hinahanap ko ang aking 5110 na cellphone,,, nakita ko at tinignan kung merun akong mensahe…kagaya ng dati wala naman at wala naman akong load nun eh.. bukod sa tig300 at 500 ang load na kailangan mo eh… kulang pa ang perang dala ko…

Naidlip na lang ako,,, para at least pagdilat ko ay andun na ako bigla… ayoko ng tingnan ang tanawin sa labas..kase tutal puro mga bukirin lang ang matatanaw mo…. Nakatulog ako……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………… Nagising ako na parang may kung anong ingay sa loob ng aking tyan,,, nag-aalburuto ito,,, una ay may sipa.. konti konti lang…pero bigla ko na lang napapansin na parang sumasakit ito.. na animoy may kung anong klase ng nilalang ang gusto makawala… Pinawisan ako kahit de-aircon,, namutla ako,, di ko alam ang gagawin ko… ang sakit ng aking tyan ay tumagos hanggang sa aking puwitan…Isa lang ang ibig sabihin neto,,,natatae ako…dahil siguro dun inalmusal ko kanina kaya ako nagkakaganito… Malayo pa ang Baguio,,, mag-isa lang ako… Pero kahit paano..pinilit ko ikalmante … pinunas ko ang pawis ko…. Sinubukan kong i-relax… at umubra naman ng kahit paano…Pero kagaya ng inaasaan nagpupumiglas pa rin na gustong maghanap ng lalabasan,, na para silang mga alipin na sabik na makawala..

Nang hindi ko na matiis ang hinagpis… tumayo ako ng pasimple.. nasa isip-isip ko na papatigil ko ang sasakyan namin at hahanap ng palikuran dyan sa tabi tabi…Bahala na.. yan ang mga salitang matapang ko na binigkas mula sa kaibuturan ng aking isipan,… tinanong ang konduktor ng pabulong “Manong..pede po bang mag-CR ?” dahil na rin sa sobrang hiya..puro mga estudyante pa naman na galing yata sa baskayon at nagbabalik eskwela na…Mula sa kung saan,,, Biglang tumaas ang boses ng gagong konduktor.. “NATATAE KA?” kasabay nung salitang yun… ang pagpula ng akin mukha..pero masakit pa rin ang aking tyan… ahhh animal na ito sabi ko sa sarili… Tumango na lang ako.. Pagkaraan ng ilang segundo….muli nya akong tinanong kung kaya ko pa hanggang sa Stop-Over nila… sabi ko hindi ko na kaya… kahit nasa sentro ng mga mata nila ang aking pakiki-usap kay manong… Siguro nakita nya na nahihirapan nako… pinara nya rin sa wakas ,,, at siguro rin ay natural na kay manong ang pagiging taklesa… sumigaw sya ng..”Dyan mo na lang ilabas sa damuan” Putcha talaga ano?… Habang ako namay paran g isang atletang takbo ng takbo kung saan saan ako nakasumpong ng mga bahay,,, iniisa isa ko ang mga ito..tangina parang ghost town walang tao… hanggang makarating ako sa medyo sulok… nakita ko na may mga taong nagsusugalan,, umiinom,, at nagtatawanan,,, at dun sa isang banda ng kanilang lugar na pinaiinuman nakakita ako ng kasilyas,, oo kasilyas hindi kubeta… nagmadali akong tumakbo… at nang malapit na ako,,, tinanong ko sila ..Mga Manong pede po bang akong maki-CR?… Kung pagmamasdan mo ang kanilang mukha ay ayus naman… magalang na sabi nilang “OO pwede pwede dyan… wag ka dito magkalat” aray magalang nga… at ng nasa banyo na ako… Ayun ayos na….(wag ko nang-idetalye pa at baka masuka ka pa)…

Dahil sa sobrang gaan ng akin feeling… nakuha ko pang magpasalamat sa mga tomador na andun… at tumakbo ako na isip ko kase na hinihintay ako ng bus namin.. habang tumatakbo… nakita ko sa malayo ang konduktor sabay sigaw na “Bilis!!” ..lalo kong binilisan ang aking pagtakbo..at ng malapit na at pasakay na ako… Bumitaw sya ng isang… tanong na “SUCCESS?” sabay nung hand gesture nya na parang sa TV,,, at ng nakaapak na ako sa bus… biglang sumigaw ang mga pasahero ng….”Sa Wakas” “Success” at Congrats”…Hiyang-hiya ako…mga tado nasabi ko na lang sa sarili ko… puwesto na lang ako sa medyo pinakalikod at hiyang hiya pa rin sa nangyari sa akin,, At iniisip ko na sana….nag-Van na lan ako…Hanggang makarating na ako sa Baguio…:D

About akosiwalrus

I am the Eggman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s