Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title kuno ng “BLOG” ko… napapansin ko kase, na mayron mga tao na kung umasta ay parang mga Purista, na kung tutuusin hindi ko na dapat pang panghimasukan ang trip nila at ipilit pang isabit ang gusto ng iba sa gusto nila,, dahil hindi naman tayo magkakapareho diba? Eh tangina naman kahit papano ay parte na sila ng isang ebolusyon na hindi natin mapipigilan…kaya irespeto nyo ang gusto ng iba, para irespeto din nila ang gusto nyo..iisang Bangka lang tayo… Bweno….sila kase ang mga tao na kumbaga galit sila sa mga bagong sibol na genre ng Metal like Rap Metal, NU Metal at ang bagong Metalcore, sinasabi pa ng mga to na hindi Musika ang mga subgenreng nabanggit ko… Kundi ay isang lamang silang nagpupumilit ihalo ang basurang musika nila sa pootanginang kaasangasan ng kuno ng Metal nila…ah ganun?

Ito lang masasabi ko….buti pa nagHipHop Gangsta na lang kayo… parang nakikita ko..nahahawa na kayo sa mga GangstaKunoMadapakingBollsyet na sila-sila ay nag-aaway-away sa walang kwentang bagay ..para lang maiba sila sa isa’t-isa, at para maging sikat… Merun ngang isa dito na siguro… nakornihan sya sa sagot ng iba… at para maiba sya…sinabi nya na “Ganito ba ang mga Metalheads dito?” parang tinutukoy nya na mataas ang standards nya sa musika…ng dahil lang sa nabasa nya… hindi inisip ng tarantadong ito na may sariling pananaw ang mga taong inaangasan nya… nasa isip-isip siguro ng gagong ito na matalino na sya at marami syang alam…kesa sa iba… (sorry diko mapigilan ang sarili ko hehe)..Kung hindi mo trip ang sagot nila at kung iniisip mo mali sila…eh di ikorek mo sa tamang paraan… hindi yung mamaliitin mo pa sila…

Kung ganito lang sana kayo kagaling

Dagdag ko pa yung dati dito… na ubod ng yabang….naghahanap ng kadebatehan na kung sino raw ang mas magaling sa Gitara… mas magaling daw ang mga Jazz Player kesa sa mga Metal…. Eh kung hindi ba naman tanga to..ikukumpara nya o ihahalo nya ang mango juice sa redhorse…eh anong lasa nun? Sabihin na natin mas magaling ang mga Jazz Player… eh ano naman sa atin yun? Iba ang style ng jazz sa metal, napakalayo… merun mga pyesa hindi kayang ilaro ng jazz compare sa metal…at ganun din ang metal sa jazz… ang tanga,,sarap kutusin sa bumbunan ang animal….kung mayron lang akong pera na katulad kay Kurt Cobain para makabili ng bagong gitara sa tuwing sinisira ko to sa stage… imbes na ihahampas ko to sa sahig o sa kahit anong bagay…mas mabuti pa siguro kung ihampas ko to sa ulo nya para matauhan ang bugok…

Naalala ko pa yung pinaka maangas na andito rin dati…..magaling sya…maraming alam…ayus yan sabi ko at least may natutunan ako sa kanya,,, sa bawat post ko merun syang nababahagi na ibang mga facts na ayon din sa mga facts na nabasa ko rin at ishinare dito…. Eh merun isang baguhan na sumabat..mali ang pagkabanat nya ng salita… ayos lang sakin kahit ganun…ito namang si pinaka maangas…todo ang pangaalipusta nya sa baguhan… ayos lang sa akin…kase palagay ko hindi sila nakakaunawaang dalawa eh… pero habang patagal ng patagal nag iiba na ang agos ng pananalita nitong si pinaka maangas… dun ko na sya pinatulan (at mali ko rin..pinatulan ko pa) nakung ayaw nya ang mga iba dito na sa tingin nya ay mga posero at walang alam… hindi ka dapat ituring na isang bahagi ng lipunan ng bakal at bato kung ganyan kababaw ang pananaw mo..tarantado… tandaan mo nagsimula karin sa walang alam… ganun din sila… ang pagkakaiba nga lang..naguumpisa palang sila sa simula… ganun din ako dati… kung paano ako nagsimulang i-explore ang sarili ko sa wala, patungo sa isang kaalaman na dapat ibahagi,, na hindi dapat ini-imbak sa kukote mong ampaw sa respeto hanggang sa mabulok…

Natawa din ako dati dun sa dalawang nagsabihan ng papakainin daw yung isa ng Metalbos ng Kamote (hahaha) hindi sila nagkasundo sa isang genre….kase daw walang kwenta yung bagong genre nung isa na nagkataon iyong ang tugtugan nung isa… langhiya sabi ko sarili ko… nagmumurahan pa sila…pinagkakasundo ko..nagkasundo naman…mayat maya babanat na naman yung isa… eh syempre gaganti yung isa..hanggang yung salitang nagkasundo ay napalitan na naman ng bangayan at awayan na parang mga bata hehehe hinayaan ko na sila …pero nagiwan yata ako ng mensahe sa kanila (ewan ko diko na matandaan eh)… na hindi naman dapat pag-awayan yan eh…. Bumababa lang ang tingin ng ibang mambabasa sa mga komento nyo…kaya imbes na mag-away na kayo…makinig na lang kayo sa musika ninyo..at bahala na kung ayaw nung isa sa gusto ng isa…basta pareho kayong nag-eenjoy sa musikang gusto ninyo…. ay ayos yan… heheheh tangina…

Ganito na lang kase…tutal pudpod na daliri ko sa kakapilantik ng tanginang CD-R KING na keyboard na ito na ang hirap tipain ang poota at ubos na rin yung yosi kong Marlboro na luma na ang lasa…hayaan nyo na yang ugali na yan sa mga Gangsta..wag nyo agawin ang trademark nila… na parang mga bata kung magbangayan… lahat tayo dito iisa lang bagsakan ng musika natin,,kahit iba iba ang tunog neto,,, laging tandaan ang Golden Rule… ang ROCK ON ..METALHEADS (akala nyo yung kay Confucious ano? Hehe) basta yun na yun… Igalang ang musikang Metal ng iba..at igagalang din Musikang Metal na gusto nyo…bat di nyo gayahin si Tsong Jonas Jose…na walang pakialam kung ano ang hilig ng iba…basta Masaya sya sa kanyang pinakikinggan..kahit Country Music pa ito o ano…(sensya na tsong,,nakaladkad na naman ang reputasyon mo) Tandaan lang natin… na dapat igalang ang isat isa sa atin…nawawalan na tayo ng camaraderie eh…..Sige at tumatawag na naman si Mahal..masesermonan na naman ako neto😉

Sarap palang gawin dito mismo sa Microsoft ang mga kagaguhan na pinangagawa ko,, na-eedit ko pa sya ng husto heheheh wala lang paepal …

 

About akosiwalrus

I am the Eggman

2 responses »

  1. hahaha, eh kung galit na galit na talaga! Put!@%^&&!@# ina I Love you! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s