Mga bagay para sa isang Lalake…

Tatlong bagay lang para gumwapo ang ang isang di-kagwapuhang Lalake…

1. Pera
2. Sasakyan
3. at malaki ang …….
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.Investment…

Dagdagan mo pa ng konting malisya….

Internet….

Sa panahong ngayon lahat madali na, Kung gutom ka … puff.. merung Instant Noodles at mga Canned Goods…Gusto mong manood ng scandal…puff… andyan yung mga files ni Mang Kanor sa cellphone mo…Merun hindi naintindihan na bagay..puff …ayan si Mr. Goggle…type mo lang…”Bakit pogi ako?” sasagutin ka nyan kahit ano… kahit saan (pwera sa bundok)..kahit kailan…Wala yatang hindi kayang sagutin ng Google ngayon…lahat yata ng bagay dito sa mundo… alam nya…mula lupa, langit, impyerno, ibang planeta,, halimaw,,Sasha Grey..baboy,, Batman,,at kung ano-ano pa…sigurado akong mayaman na ang may-ari ng site na ito…Halos segundo-segundo may nagtatanong sa kanya… Lalo na yung mga ibang kachat nyo na nagmamarunong minsan… na alam nya lahat pero naka-abang na sa isang link…. yung Google nya…

Maraming naiitutulong ng malaki ang Internet,, mula communication hanggang media..idagdag mo pa ang mga pornsites…kung dati nagrerent ka sa Sandman Video Shop…ngayon isang click lang instant agad…P15.. sa loob ng isang oras…kahit sino pede mong panoorin…kaya pati mga paslit kaya ng magbukas ng pornsite..tuturuan ka pa nila kung saan marami daw magaganda…

Anyways… Masama lang ang epekto ng Internet lalo na sa mga estudyante imbes na magresearch sila sa library para hanapin kung ano man ang pinahanap sa kanila…Punta lang sila sa malapit ng Internet Shop… at bago maghanap yan sa Wikipedia… kakalkalin muna ang Facebook o kaya maglalaro muna ng DOTA… Kaya tamad na sila… Katalinuhan ang nagpa-anak sa Teknolohiya,,, pero binabawasan nito ang katalinuhan ng bawat tao..Mabilis nga naman… pero paano namang matututo ang mga bata kung puro ganyan…… Dapat talaga na gabayan sila ng mga nakakatanda sa kanila o mismong mga magulang nila .pagdating sa bagay na iyan… mahirap na baka maagang mag-asawa yan sa kakapanood sa Redtube at Youporn…

Lahat ng bagay ay may mabuti at masamang epekto sa isang tao…kahit ano pa man yan…kung sobra na…tigilan na…(o kaya bawasan lang).. hindi kailanman kayang punan ang pangangailan ng isang tao sa pamamagitan ng artipisyal na bagay lamang…at kahit yung mga tarantadong bully sa Internet ay nagkaroon ng idea para magpakalat ng kakupalan nila…

Pero ang isang sakit na hindi maalis sa mga netizen…. ay yung…pagiging Adik nila sa kakapost ng kung ano-anong kabalbalan…

parang ako lang….

Quotes….

“Minsan kailangan din ng tahimik na mundo para ang utak mo ay makapag ehersisyo.. at magagawa mo ang isang obrang matino.”

Usapan at Ututang-dila..

Minsan may mga bagay na hindi mo maintindihan ng husto sa isang tao… normal lang iyon…dahil iba-iba tayo ng pananaw at saltik sa utak… Mahirap intindihin ang bawat isa..pero kung aalisin mo lahat ng doubt sa utak mo…masasabi mo na kaya naman pala…. Hindi nga natin kayang salakayin ang pag-iisip ng iba..pero kaya naman nating itong unawain sa pamamagitan ng usapan…Usapan kung saan nagbibigay kayo ng kuro-kuro at opinyon sa isa’t-isa… sa ganun na bagay…at kahit papano malalaman mo kung anong may saltik ang isang tao,,,, nasa sa iyo na nga lang kung maniniwala ka sa bawat bagsakan ng mga salitang pagsasaluhan ninyo…

Pero ang pinamasarap na sangkap ng pag-uusap ang pagtitiwala,,,, kung wala ka nito…. magiging mapait lang ang lasa ng usapan ninyo…hindi naman masama ang pagiging skeptical…Buksan ang kaisipan, unawain ang mga bagay-bagay… mag-aral kung paano maging mutant at gayahin ang powers ni Prof X,,na kayang magbasa ng isip ng may mga gagong pag-iisip…

Intindihin mo na..ganyan talaga style ko…

Plano…

Lahat tayo ay merung mga planong nasasa-isip,, lahat ng iyan ay dumadaan muna sa tamang proseso..pero kung hindi mo gagawin ngayon, walang mangyayari… Kung lagi ka na lang naghihintay ng tamang pagkakataon,, walang mangyayari..paano mo maisasakatuparan ang mga planong nasasa-isip kung puro pag-aantay ka lang?… May magagawa ba ang tamang pag-hihintay o merung magagawa ang huwag ng mag-hintay at gawin na agad… Paano kung yung hinihintay mong pagkakataon ay hindi na dumating? Pababayaan mo na lang ba lahat ng magagandang ideya sa utak mo? Kung yung mga mandurukot ay may lakas ng loob at kapal ng mukha… Siguro panahon na para palakasin mo ang loob mo at kapalan ng mong isang sentimetro ang mukha mo…

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.” alam mo naman siguro kung kanino galing ang quote na yan ano..?

I-apply mo yan sa babaeng nililigawan mo…pede rin sa mga babae…kung trip nila…

Walang katapusang paghihirap at pagyaman..

Ang mahirap lalong humihirap at ang mayaman lalong yumayaman..

Kung sino pa ang mahirap ay siya pa ang maraming anak…at kung sino pa ang mayaman kokonti lang ang mga anak..

Ang mahirap nagsusugal para may maipakain sa pamilya
Ang mayaman nagsusugal kapag walang magawa..

Pero kapag mahirap ka bigla kang yumaman at naghirap ulit…. ayos lang…sanay ka na dun…. Pero kapag naghirap ang mayaman…. mababaliw yan…

Ang mga mahihirap kahit gwapo…. panget pa rin…
Ang mga mayayaman kahit panget…gwapo pa rin…

Kapag nakulong ang mahirap…sampung taon…
Kapag nakulong ang mayaman…sampung minuto…

Ang mga mahihirap…. Gin bilog ang tinitira..
Ang mga mayayaman… Johnnie Walker ang tinutungga…

Sakitin ang mga mayayaman…matitibay naman ang mga mahihirap…

Pangarap mo bang maging mayaman?…..pwes maghirap ka muna…

Kelan ka ba huling sinipa ng antok?

Yung putanginang hindi ka makatulog,, madaming lamok, butas ang kulambo, masakit ang tyan, sumabay pa ang ulo,, yung aso mo dinidilaan ang paa mo,, at kapag medyo nakukuha mo na ang antok mo…bigla kang tatapikin sa tyan ng bunso mong kapatid humihingi ng limang piso….balik ka ulit na naman sa pag-hahanap ng antok mo… kukukunin mo yung PSP mo,,,kakalkalin mo yung Angry Birds mo…walang sounds para di maingay….walang bisa…balit sa muni-muni.,..magimagine na naghahabulan kayo sa dagat ni Angel Locsin… medyo kakapit ang na ang antok…… nang biglang magring cellphone mo… lakas ng ringtone mo…Heavy Metal…Pigface ng Greyhoundz… magigising ka na naman… ng tingnan mo ang message mo….09185621536 ang sender nanalo daw ako ng isang milyon tawag daw kay Atty. Mateo San Pablo… naka DTI daw ang putanginang manloloko….sa inis ko rereplayan mo ng..”Tarantado kang bobo… lolokohin mo pa ako…” Balik ulit sa tulog… ilang araw na kase halos 3 hanggang 4 lang tulog mo…stress pa sa trabaho…laging reject ang mga gawa ng dalhin sa kakalog-in sa putragis na Facebook….Muni-muni ka ulit… magiisip ng iimaginin…. Ah si Sam Pinto…pero hindi sya pumapasok sa utak mo… muni-muni ulit,,,iniisip ang mga utang, bayaran sa kuryente at tubig,, nangungutang pa ng limangdaan ang tropa mong bwisit…. medyo hihikab ka na… ayan na si Haring Antok… kinakalabit ka na… sumasara na mata mo…lumalabo na ang paningin mo….ng biglang magpatugtog ng “Superbass” ang kapitbahay ng pagkalakas-lakas…. Tangina naman…. ano ba yan….putragis na buhay ito…..dahil asar-talo ka ng antok…. babangon ka na lang…parang magyosi…. at lalabas..paglabas..abdun yung tropang sunog-baga nagiinuman…. Shot da kayo… isang tagay muna..pulutan fishball at kikiam…pangalawa hanggang di mo na mabilang…. lasing ka na…uwi ka na… plakda agad ang katawan mo sa kamang amoy amag…Sa wakas nakatulog ka na rin…. maligayang bati….

Suicide note ni Emong Gwapo…

Paalam…

Ito yung katanungan ko na matagal ko ng gustong malagyan ng matinong sagot…Ano nga ba ang nasa isip ng mga gwapong lalake? Babae, pera at kotse? Ano kaya kung maging gwapo ako at maglalakad ako sa daan… merun kayang sisipol na babae sa akin? parang frustated kung pakinggan di ba? Noon kase sabi ng Tatay ko… kapag lumaki daw ako magiging pogi ako…nun bata kase ako di ako cute,,walang nambobola sa akin na “Ang cute cute mo” walang nangungurot sa pisngi ko..walang kumakagat sa binti ko…Parang kapag pinakarga ako sa ibang tao, walang magtatagal sa akin para paglaruan ako ng “Bulaga”, “Kukuyakoy” o “Close Open”…yan ang kwento ng Kuya ko..Pinapalakas naman ng Tatay ko ang loob ko na sabi nya sa akin “Anak balang araw magiging “Adonis” ka sa kagwapuhan.. “..Pina-abot nya sa utak ko na kapag ang bata panget… sa pagtanda daw ay magiging pogi o maganda… Naniwala naman ako..syempre Tatay ko yun eh….

Nang nasa College na ako… naiinggit ako sa mga pogi kong kaklase … marami silang chicks ….ako … tangina… tomboy ang kasama ko… bungal pa… Di pa yata binibilhan ng tawas o rexona amoy pawis na amoy bulanglang….Ok naman sya…maraming alam… pinapakopya ako… akala nga ng mga kaklase ko henyo daw ako…kung alam lang nila ang sekreto ko…..Madalas akong makinig ng mga post-hardcore at screamo bangs este bands… dito masaya ako.. dito magaan ang malungkot kong buhay…. pero balik tayo sa pagpapapogi ko….Minsan sabi ng tropa kong tibo kung gusto ko raw maging chicks magnet dapat pormang EMO… dapat daw gumamit ako ng Gel o Wax…then gumamit daw ako ng Listerine, kung walang pambili, pede na yung Halls o Max…dapat daw “IN” ako sa anumang uso… pormang konyo at dapat bawasan ko raw yung mga tagyawat sa mukha ko… Putragis ang hirap pa lang maging gwapo dito pa lang parang gusto ko ng sumuko…. Ginawa ko naman ang mga payo nya…nagpapogi ako,, nagpulbos ng Johnson and Johnson..nagGatsby.. humiram ng Converse,,pinaEMO ko buhok ko.. nagMaxi-Peel ako… nagpabango ng Axe… nagsuot ako ng konyo… halos 30 minutes akong nakababad sa harap ng salamin kung patok na ba ang porma ko…. nang medyo nagiba ng konti ang mukha ko sa salamin…. napailing ako sabay sabing…. “Tsk… ang gwapo ko pala.. tangina… makaka-collect na ko ng mga chickas neto…tangnang pagmumukha to oho….mala Andy Sixx…. hayup talaga..”

Syempre… kailangan siga ang lakad ko… kahit singkwenta pesos lang na kinupit ang pera ko….Tatambay ako sa harap ng Chowking..dito kase madalas tumambay ang mga chicks eh….tetestingin ko kung papasa na ba ang pormang EMO ko sa panlasa nila… pero dapat sabi ng tibong kasama ko kailangan maging bolero daw ako… yung malakas ang dating..dapat ipakita ko na mayaman daw ako…Bweno bago ako lumabas ay nakapagrehearse na ako,,,,kaya maning-maning lang ito…. pero kahit papano punyeta kinakabahan ako baka mareject ako….Mukhang talagang sinuswerte ako huh…merung 3 babae na nasa edad 18 to 19 years old…Cute kahit mukhang di naliligo..pede na pagpraktisan ito….Paanong way ko kaya kukuhanin ang atensyon nila?… ah alam ko na….sabi ko sa isip ko….nang lalapitan ko na sana sila… may isang lalaki na kamukha ni Jay ng Cueshe ang pumarada ng Kawakasakeng Tricycle at sumakay sila…. Putragis sira ang diskarte,,,animal na lalakeng yun…

Lakad pa ako… baka makatyempo rin….Merung isang babae.. ang haba ng bestida..parang galing ng communion… pede na rin ito…”Hi Miss”…sinampal ako… sabay nagsisigaw ng… “Hayup ka Ramil iniwan mo kami ng anak mo….” sabay tawa..” Hahahaha ako si Sam Pinto”… punyeta,,,, yung baliw pala na taga-sa amin yun huh…. Nagpalit lang ng suot…. Syet,,,malas yata talaga ako…

Naglakad pa rin ako hanggang sa ikatlong kanto…. Uyyy.. yung crush ko syeeettt… namula ako kahit malayo pa sya…kahit di ko pa sya nakikita ng malapitan..Kumakabog ang dibdib ko… syet sasabog na ito…naghalo ang kaba ang hayop na saya… heto na to…heto na…nang lumapit na ako sa kanya,,nakatalikod sya… “Hi Ashley..”…”Oh ano? anong gusto mo?” nashock ako tarages…. yung kakambal nya palang bading yun…kamukha nya kase eh…. punyeta… ang malas ko talagaaaa…. aarrgh…

Wala nang pag-asa talaga…ganito na ako habang buhay…masakit pala sa dibdib ang ganitong kabiguhan…Magpapakamatay na ako…. ayoko ng mabuhay dito sa malupit na mundo… Tutal wala namang babaeng pumapansin sa akin…mabuting pang wakasan ko na ang aking buhay…Umuwi ako sa amin para saksakin ko ang aking sarili..Napansin ko na hindi matalim ang kutsilyo,,, Ayoko,,’… Kumuha ako ng lason yung Zonrox..mabisa daw yun sabi nila… IInumin ko na sana kaso… samtambak pala ang lalabahin ko… wala akong gagamitin bukas… Ayoko…Pumunta ako sa ika-apat na kanto sa amin… humiga ako sa gitna ng daan…papakasagasa na lang ako…Halos 27 minutes na nakaraan wala man lang ni pedicab ang dumaan…. tumayo ako at naglakad ulit… Tarages… nirerepair pala nila yung daan..kaya walang dumadaan…Putangina…. magpapakamatay na lang ako malas pa….

Tatalon na lang ako sa tulay… di naman kase kombisido yung mga taong makakakita sa akin kung maglalaslas ako ng pulso… Baka akala nila peke iyon…Bweno …Paalam mga CD’s ko,, Paalam mga Illegal downloaded songs ko ng Attack Attack at Asking Alexandria.. Paalam..poster ni Andy Sixx… Paalam mga scene kids.. pakabait kayo huh…wag ninyong ipapakulay buhok nyo…Paalam sa eyeliner ko…. Paalam kulay black kong pantalon at damit… Paalam Witchcorpse at Sandman… Paalam Manong Walrus at sa mga taga-Pugad…Paalam Crunkcore… paalam Crabcore…paalam Rapcore… paalam Pogicore…paalam sa artistang si Rez Coretez na nakita ko na minsan pumasyal kami sa Corerigiador…….Paalam…Aling CoreDia….Paalam……

Tulang Pangkalawakan….

Grow Old Along with Me..
“The Walrus”

Naalala mo pa ba yung araw na iyon?
Nang sabihin mong paano kung mamuti na iyong buhok?
Pati yan mga balat mo ay mangulubot
Sasamahan mo pa ba kaya ako hanggang tayo ay uugod-ugod?

Simple lang ang sinabi ko, hindi ako nangangako..
Pero gagawin ko habang malakas at bata pa ako..
Saan man tayo dalhin ng ating mga yapak..
Pangakong aalagahan natin ang isa’t-isa..

Rumupok man ang ating resistensya at pangangatawan..
Mahiga man tayo at hihimlay sa kama,
Hindi man tayo makakalakad gamit ang ating mga paa..
Pero ang pagmamahal ko ay buo, hanggang huling hibla ng akin hininga,.

Aalagaan kita kung maratay ka man ng sakit..
Iilamusan kita at pupunasan ang tagaktak mong pawis..
Hindi man ako marunong magluto ng masarap na pagkain..
Pero dahil sa iyo ay aking aalamin at ika’y pag-aahin..

Hindi man naging perpekto ang pagsasama natin..
Pero hindi ko mabilang ang mga masasayang sandali..
Na animoy mga pagaspas ng mga dahon sa hangin,
At mga ibong nagsasayawan sa ritmo ng himpapawid..

Pero dahil ang lahat ay may katapusan..
Nakakalungkot na merung mauuna sa atin ay lilisan..
Mga alaala sa kaisipan natin ay sadyang uukit.,
Mga alaala na parehas natin pinagtulungang 
buuin..

Maaring sa sandali ay iiwan mo rin ako..
Maaring sa bawat sandali hininga natin ay mapugto..
Maaring sa sandali ay hindi ko na maaninag ang mukha mo..
Pero ang alaala mo ay andito pa rin hanggang sa ako ay maging abo..

Bulong ni “Ms. M”

Kamatayan ang sagot sa mga hirap at pagdurusa…
ni “Ms. M.”

Tao ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang ating katawan at kaluluwang banal. Nasasabing ang katawan ang tanging mamamatay. Mabubulok at kakainin ng uod. Habang ang ating kaluluwa ay maglalakbay patungo kung saan base sa kanyang nakaraan. Paano natin ito haharapin? Ang ilan ay magsasaya at matinding lumbay naman sa iba. Kahit anong paraan pa ng iyong kamatayan, ang siguradong sagot ko ito ay may dahilan. Marami ang takot, hindi sila handa. Mga mahal sa buhay at ari-ariang materyal, hindi nila kayang iwanan. Ngunit marami na ring sumubok. Sa mga taong bahag ang buntot na harapin ang kanilang bangungot. Hindi mo alam kung sino ang matapang. Yung lumaban sa karangyaan o nagpakamatay para magparaya? Kahit ano pa yan, wag natin unahan si Bathala. Magbigayan tayo, at wag mag yurakan. Lahat ng nasa harap mo, paligid at tinatapakan mo, kapwa hiram na dapat pag-ingatan. Mag pugay at magpasalamat sa bawat hanging nasisinghot mo. Kaya’t wag ng dumihan, usok ay layuan. Wag tayong mag-unahan angkinin ang kay Juan. Ipamahagi ang alam para sa patas na lipunan. Busugin ang sikmura, ang diwa at pananampalataya. Wag tayo magpatayan para sa lupa ni Maria, ito’y hindi sa akin, sayo o ninuman. Hindi natin ito pag-aari bagkus tayo ang pag aari ng lupa. Pasasan ba’t magpapantay rin ang ating paa sa lupa. Mabubuting gawain ating tangkilikin. Iwaksi si satanas na lagi sati’y kumakaway. Wag tayong matakot sa bawat bangungot. Sabayan mo ang indak at magpatangay sa agos. Tamang tono, saktong tyempo, bagsak pa rin natin ay sa purgatoryo. Huwag ka mashadong mag-alala. Lahat ay may katapusan, lahat mawawala. Tayoy babalik sa umpisa, mananatili ay tanging ala-ala.